Tuesday, October 18, 2011

Hassle...

Dito ko na lang ito nilagay... although di naman ito bakasyon. Di ko naman pwede ilagay ito sa running blog ko.

My Terminal 2 Experience (Oct 17 2011)

1. Pag-pasok pa lang ng airport, tumataginting na 1,650 petot ang aking binayaran para “travel tax”. Wala naman problema kung nagagamit sa tama ang binabayaran na tax.

2. Pumila ako para kunin ang aking “boarding pass”. May hinihingi na “OEC” ang magandang dilag (MD) sa counter.

                 Me: “para saan yun OEC?”.
                 MD: “para po sa mga SEAMAN.”
                 Me: “ay hindi po ako SEAMAN.”

Napakamot ako ng ulo dahil assuming ang MD na ako ay isang SEAMAN. =p
Kinuha na sa wakas ang aking maleta. At binigyan na ako ng aking boarding pass.

3. Pumila naman ako dun sa may “AIRPORT USER’S CHARGE” at nagbayad muli ng P750. Di ko maintindihan bakit may binayaran na naman na ganito. Bale 2,400 na agad ang binayaran ko. Langya, marami-raming pagkain din yun. Sibak agad yun pinabaon sa akin na pambayad sa airport at taxi.

4. May pinasulatan na papel kung saan kami mag-lalagi at kung ano ang aking gagawin sa Singapore. Nilagay ko ay para sa isang “conference” dahil iyun naman ang totoo.

5. Sumunod na aking pinilahan ay iyun sa may “IMMIGRATION”. Nagkamali ata ako ng pag-pili sa ale, dahil pag-silip ko dun sa kanyang pwesto ay ngumunguya siya ng chicharon. Naistorbo ko ata ang kanyang pagkain, dahil nun binigay ko na ang aking boarding pass at tinanong ako kung nasaan ang sulat mula sa opisina naming sa Singapore eh nag-alangan sya ng isang e-mail printout ang aking binigay. Ayaw pa ata ako paalisin ng ale. Buti pa yung tao ko, na-approve agad. Hindi talaga porke’t babae eh madaling kausap… at kahit gaano kaayos ang iyong pakikipag-usap eh may taong sadyang nag-pa-power trip… Pinapunta ako ng ale dun sa opisina ng isa pang “IMMIGRATION OFFICER”. At hinahanap yun maliit na papel na pinasulatan sa akin. Eh hindi naman binalik sa akin nun ale. Nagbulungan yun 2 mama at tinanong ako kung saan window ako nag-pa-pa-approve. Nung tinuro ko yun ale, bigla sila napa-ngisi. Mukhang terror yun ale na napilahan ko. =p Bumalik ako dun sa ale pagkatapos na bigyan ako ng “OK to travel” nun 2 mama. Pag balik ko sa ale, tinanong na naman ako kung walang papel na pinasulatan sa akin yun 2 mama. Mukhang gusto pa ako pahirapan ng ale… Nun sinabi ko na wala, nasabi na lang ng ale na “pinayagan ka na lang basta?” Ayos…

Eto ang tanong... paano kung na-deny ako? Eh nagbayad na ako ng TRAVEL TAX+AIRPORT USE FEE at ang aking bag ay na check-in na... x_X

6. Sa wakas nakapasok na din ako sa waiting area. Nun isang taon, may free wifi eh. Ala na ngayon! Ayos!

7. Habang nag-check ako kung meron mahagilap na wifi eh may naamoy akong usok galing sa sigarilyo. Ayaw na ayaw ko makaka-amoy ng usok ng sigarilyo. Nang aking lingunin, isang banyaga ang nakita ko na naninigarilyo. Ang alam ko bawal manigarilyo sa airport. Di ko lang alam kung bakit pinapayagan ito sa T2.

8. Habang nasa waiting area. Tumawag ako sa opisina para ipaalam ang mga kakaibang pangyayari. At doon ko nalaman na hindi ako dapat nagbayad ng P1,650 dahil ito ay bayad na. =p… tinawagan ng opisina ang travel agency para ayusin ang problema. Kaso, ang gusto ng travel agency eh kumausap ako ng airport supervisor na andoon pa sa kabilang ibayo ng airport…

sakto na biglang nagpatawag ng boarding…



and in related news... NAIA T1 was just voted world's worst airport.

No comments:

Post a Comment